0

Kung ikaw ay isang tunay na 80's baby

Posted by The Red Devil on Thursday, June 29, 2006 in
Had a blast with this quiz. Died laughing, really. It brought me back to the days when I had a mini replica of a tsunami atop my head, strengthened by aquanet! Have a go and see how many numbers you get correctly.


1. Ano ang sitcom na pinagbidahan nina Flora Gasser, Janice Jurado, Soxy Topacio at Johnny Manahan?
2. Sitcom ulit. Pinagbidahan naman ito ni Jay Ilagan at Tet Antiquera.
3. Saan nakatira sina Gloria Romero at ang mga boys ng Palibhasa Lalake? Saan sila namamalengke?
4. Sino ang female host ng Kalatog Pinggan?
5. Ano ang mga theme songs ng February Revolution?
6. Sinong artista ang gumanap na Miss Tapia?
7. Sino ang tatay ng Escalera brothers?
8. Sino ang co-host ni Pepe Pimentel sa Kwarta o Kahon na napapanood tuwing Linggo ng tanghali sa SM North EDSA?
9. Ano ang pangalan ng yaya ni Flor de Luna?
10. Anong Tito, Vic and Joey movie ang tungkol sa isang karinderya? Clue: isang 24 hours tapsilog outlet ang ipinangalan dito.
11. Si Ces Quesada ay unang lumabas sa anong gag show? Saan sya nagturo ng Theater Arts?
12. Sinu-sino ang mga gumanap na Fay sa sitcom na Okay ka Fairy ko?
13. Ang Rico Mambo ay tinugtog at sinayaw sa anong pelikula ni Manilyn Reynes?
14. Ano ang original title ng pelikula ni Tina Paner na Tamis ng Unang Halik?
15. Ano ang pangalan ng asawa ni Rolly Purontong sa John en Marsha?
16. Anong movie ang pinopromote ni Kris Aquino nang mahulog sya sa butas ng stage ng GMA Supershow?
17. Ano ang pangalan ng sidekick ni Mr. Shooli sa Mongolian Barbeque?
18. Sino ang mahilig magsabi ng "OK Ngarud"?
19. Newscaster na may bit role sa Scorpio Nights. Asawa sya ni June Keithley.
20. Sino si Chona Velasquez? Si Donna Yrastoza? Saang contest sila nanalo?
21. Sinu-sino ang original members ng Smokey Mountain?
22. Saang channel pinapalabas ang Gulong ng Palad? Anong oras?
23. Kanino pinangalan ang anak ni Vic Sotto kay Angela Luz? Clue: Patay na sya.
24. Anong araw sa That’s si Brylle Mondejar at Lester Samonte?
25. Anong title ng movie ni JP de Guzman na ampon at kasama si Nida Blanca, Nestor de Villa at Maricel Soriano? Clue: theme song ng movie ang kanta ni Raymond Lauchengco.
26. Sino ang original members ng That’s? Sino ang unang new member?
27. Sino ang mga batang yagit?
28. Sino ang Liberty Boys?
29. Paano nalumpo si Nonoy Zuniga?
30. Ano ang kinakanta kapag patapos na ang isang episode ng That's Entertainment?

Hehehe...

0 Comments

Copyright © 2009 Diary of a D-list actress All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.