0

Bakit ganon?

Posted by The Red Devil on Friday, June 23, 2006 in
The team and I were talking about the status of Philippine cinema. We came up with some funny and sad points.

1. Bakit ang mga baril ng kalaban eh tabingi? Kahit 2 feet away lang ang bida eh di pa rin sila matamaan ng bala? Di kaya vision or sight impared ang mga kontrabida?

2. Bakit laging mahaba ang dialogue ng mga namamatay na bida? Sa hinaba haba ng speech nila, malamang buhay pa sila kung imbes na dumaldal eh dinala na lang sa ospital di ba?

3. Ang lahat ng mga bida ay may sterotyped character: mga mababait na pulis na naging skalawag dahil kinidnap at pinatay ang asawa/anak/asawa at anak nila. Matatanggal sila sa trabaho tapos bibigyan sila ng pabuya pag nahuli at napatay nila ang kontrabida na lider din ng isang drug syndicate.

4. Ang mga comedy movies natin laging binibidahan ng panget na mga lalaki at super gandang mga babae na kung sa totoong buhay ay di sila papatulan puera na lang kung sing laki nila ang bird ni Dolphy or sing yaman sila ng mga Zobels.

5. Palaging may dream sequence na ang setting ay nasa beach.

6. Palaging may song and dance production sa beach. Kung hindi sa beach eh sa park or sa parking lot ng isang malaking shopping mall.

7. Laging late dumadating ang pulis, pag tapos na ang lahat tsaka lang sila dumadating...ay wait..ganun din pala sa totoong buhay.

8. Pag ang bidang babae ay singer din, laging may concert type scene na kakatahin nila ang theme song ng pelikula at every opportunity presented.

It's so sad really. Kaya naman walang asenso ang industriya na ito eh. Walang gustong magbago ng formula. Merong mga ilang pelikula na ok, tulad ng "Jologs". Ok yun! I think it's something that deviated from the usual. Dapat mas marami pang sumulat at gumawa ng ganong mga movies.

Kayo? Ano pa napansin niyo?

0 Comments

Copyright © 2009 Diary of a D-list actress All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.